Posted inMISLEADING

MISLEADING: Trolls daw lahat ng 31M voters ni Marcos Jr., ayon sa isang clipped video ni outgoing VP Leni?

Ayon sa isang Facebook post, ipinahihiwatig umano sa isang clipped video ni outgoing Vice President Leni Robredo na sinasabi raw nitong lahat ng 31 milyong botante na pumabor kay presumptive President Bongbong Marcos ay “trolls.” Ito ay misleading, sapagkat walang ipinahayag si Robredo na lahat ng 31 milyong bumoto kay Marcos sa halalan ay trolls. Kundi, isinaad lamang nito na walang binayarang trolls ang kaniyang kampo.