“Biased. Bayaran. Fake news.” Ilan lang ito sa mga alegasyong ibinabato ngayon sa mga journalists.
Sa panahon ng vloggers at content creators, mas lumalabo ang linya sa pagitan ng totoo at gawa-gawa. Paano pa natin malalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo?
Kasama si Cheche Lazaro, isang beteranong broadcast journalist, balikan natin ang tunay na papel ng media sa isang malaya at demokratikong lipunan. Alamin kung paano tayo nililigaw ng disinformation—at kung paano tayo makakalaban pabalik gamit ang kritikal na pag-iisip at paninindigan sa katotohanan.
Ang video series na ito ay bahagi ng anti-disinformation reporting campaign ng Probe sa tulong ng IMS (International Media Support).