
Taliwas sa isang putol na video sa social media, hindi lumagda at maaaring lumagda sa impeachment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte si dating Polomolok, South Cotabato Mayor Honey Lumayag-Matti dahil hindi siya miyembro ng Kamara.
Nagsilbi si Lumayag-Matti bilang alkalde ng Polomolok mula 2013 hanggang 2022. Hindi siya tumakbo noong huling halalan at sa darating na halalan sa Mayo 2025 ay tumatakbo siyang muli sa pagkaalkalde.
Kuha ang nasabing putol na video mula sa livestream (1:20:45 hanggang 1:21:00) ng isang election debate sa Polomolok noong Abril 20, 2025. Dinaluhan ito ni Lumayag-Matti at ng iba pang mga kumakandidato para sa mga lokal na posisyon.
Nilapatan ang nasabing video ng tekstong “Running for Mayor na isa sa pumirma sa impeachment ni Inday Sarah Duterte ito ang nangyare😳🤯”.
Hindi si Lumayag-Matti kundi ang ama niyang si South Cotabato 1st District Rep. Isidro “Ed” Lumayag ang miyembro ng Kamara nang ipinasa ang impeachment complaint laban kay Duterte noong Pebrero 5, 2025. Isa ang ama niya sa 215 na kongresistang pumirma sa impeachment complaint.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.