FALSE

Hindi totoong diskwalipikado ang Bayan Muna party-list sa halalan sa Mayo 12, 2025, taliwas sa ipinalalabas ng isang Facebook page.

Makikita sa walong posts ng Facebook page na “Kontra Baghak” ang diumano’y balita ng limang news outlets noong Mayo 10, 2025 tungkol sa pagkadiskwalipika ng Bayan Muna sa halalan. Ito ay dahil diumano sa kaugnayan ng nasabing party-list group sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Kalakip ng mga post ang ilang pekeng screenshot ng diumano’y ulat ng news outlets na ABS-CBN News, INQUIRER.net, Rappler, GMA News, at Philstar.com. Ginaya ang hitsura ng webpage at Facebook page ng mga nasabing news outlet para pagmukhaing sila ang nagbalita nito.

Inilabas ang mga nasabing post labing-isang araw matapos nilikha ang Facebook page noong Abril 29, 2025.

Sa isang Facebook post, pinabulaanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga naturang maling impormasyon at nilinaw na wala silang inilabas na resolusyon para idiskwalipika ang Bayan Muna.

Ayon sa Comelec, ang Bayan Muna ay “opisyal pa rin na kabilang sa listahan ng mga party-list groups na maaaring iboto sa Lunes (May 12, 2025).”

Read the full story on ABS-CBN Fact Check.

ABS-CBN Fact Check is the fact-checking arm of ABS-CBN News. ABS-CBN is considered one of the country’s leading media and entertainment companies. It affirms its mission of being in the service of the Filipino and all of its stakeholders worldwide. The company is driven to pioneer, innovate and adapt as it continues to provide information, news and entertainment that connects Filipinos with one another and with their community — wherever they may be.

news.abs-cbn.com