
Hindi totoong makauuwi na sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakakulong sa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands dahil sa kinakaharap niyang kaso na crimes against humanity of murder.
Makikita sa isang post online ang isang art card na nilapatan ng logo ng programa ng ABS-CBN News na TV Patrol. Sa ibabang bahagi ng larawan ay mababasa ang tekstong, “Dating Pangulong Rodrigo Duterte makakauwi na ng bansa matapos ang ilang buwang pagkakakulong.”
Nakalakip sa post ang isang link na diumano’y nilalaman ang buong ulat. Kung bubuksan ito, mapupunta ang user sa isang online shopping website.
Nakatakda sa Setyembre 23, 2025 ang susunod na hearing ni Duterte, kung saan kukumpirmahin ng ICC ang mga kasong nakabinbin laban sa kanya. Unang humarap si Duterte sa Pre-Trial Chamber 1 ng ICC noong Marso 14, 2025 kung saan kinumpirma ang kanyang pagkakakilanlan.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.