FALSE

Hindi totoong na-stress at gustong paalisin nina Senador Richard Gordon at Senador Francis Pangilinan si Kris Aquino nang sorpresang nagpunta ito sa Tarlac People’s Rally sa kabila ng kanyang karamdaman. 

Sa post ng isang Facebook user noong Marso 26, may caption ito na “Stress sila sa pagsulpot ni Kris nakasimangot si Gordon at Kiko..gusto na paalisin si Kris.” 

Sa pinagdugtong-dugtong na video, makikitang nakasimangot sina Gordon at Pangilinan at pinapaalis si Aquino habang nagsasalita ito. 

Ngunit kung papanoorin ang kabuuang nangyari sa ginanap na campaign rally ng Robredo-Pangilinan team sa Tarlac noong Marso 23, makikita na habang nagsasalita si Aquino sumisenyas sina Gordon at Pangilinan sa mga staff na paatrasin si Aquino at kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby sa entablado habang tumuturo sa taas. 

Read the full story on ABS-CBN Fact Check.

ABS-CBN Fact Check

ABS-CBN Fact Check

ABS-CBN Fact Check is the fact-checking arm of ABS-CBN News. ABS-CBN is considered one of the country’s leading media and entertainment companies. It affirms its mission of being in the service of the Filipino and all of its stakeholders worldwide. The company is driven to pioneer, innovate and adapt as it continues to provide information, news and entertainment that connects Filipinos with one another and with their community — wherever they may be.

news.abs-cbn.com