Taliwas sa mga kumakalat na post online, hindi totoong isasailalim sa community quarantine protocol o lockdown ang Metro Manila dahil sa mpox virus simula Hunyo 6, 2025.
Sa mga post, ginaya ang lumang art card ng ABS-CBN News at nilagyan ng tekstong “Metro Manila Placed Under Enhanced Community Quarantine Due to MPOX Virus Starting June 6, 2025.”
Kapansin-pansin ang pagkakapareho ng pekeng art card sa mga art card na ginamit ng ABS-CBN News noong 2020 para ibalita ang pagpapatupad ng quarantine protocols sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Marami rin ang tila nalito at muling ipinakalat ang dating balita mula sa ABS-CBN News Facebook page tungkol sa pagpapatupad ng noo’y General Community Quarantine sa Metro Manila simula Hunyo 1, 2020 dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Sa isang public advisory noong Mayo 31, 2025, pinabulaanan ng Department of Health (DOH) – Metro Manila Center for Health Development ang pagkakaroon ng enhanced community quarantine sa Metro Manila dahil sa sinasabing pagkalat ng mpox.
Read the full story on ABS-CBN Fact Check.