Ayon sa mga ipinapakalat na balita at video ng Eagle News sa kanilang news report, umamin daw bilang adviser ni Leni Robredo si CPP Founder Joma Sison. Ipinakalat din ito ni Presidential Candidate Senador Ping Lacson. Ito ay fake news! Itinanggi na ito ng parehong partido at wala umanong basehan ang nasabing paratang.
‘Fake news’ ayon sa CPP
Abril 26 nang maglabas ng isang news report ang Eagle News ng Net 25, gamit ang isang article ng Journal News Online bilang source, kung saan sinabing umamin umano si Joma Sison na siya ang pangunahing kontributor sa kampanya ni VP Leni Robredo. Binanggit din umano sa Ang Bayan, ang opisyal na news organ ng Communist Party of the Philippines (CPP), na siya ang adviser ni Robredo at ng kaniyang tagapagsalitang si Barry Gutierrez. Ngunit taliwas sa balitang ito, walang makikitang kahit anong isyu sa nasabing pahayagan ng CPP na nabanggit sina Robredo at Sison. Itinanggi rin ito ng CPP at tinawag na fake news sa kanilang opisyal na pahayag at maging si Joma Sison ay naglabas ng kaniyang tugon hinggil dito.
“I have not been advising Leni Robredo, although I think that she is a far more qualified candidate for president,” he said as he described survey frontrunner Ferdinand Marcos Jr. as having “no qualification but to campaign with too much money from the bureaucratic loot of the late unlamented fascist dictator, Ferdinand Sr.”
Dagdag pa rito ang mga kumakalat na spliced video ni Sison kung saan ay binanggit ni Sison si Robredo habang nasa usapin ng halalan at sinasabing nagbigay umano ito ng kaniyang endorsement. Wala rin itong katotohanan. Makikita sa buong video ng speech ni Sison para sa isang pagtitipon noong Abril 10 na walang pag-eendorsong nangyari, bagkus ay nabanggit lamang ang mga pangalan nina Robredo at Pangilinan bilang tagapanguna sa malawak na oposisyon upang labanan ang alyansang Marcos-Duterte sa halalan.
Read the full story on #PakCheck by e-Boto.