Ayon sa isang netizen, mas maraming atrocities ang isinagawa ng Aquino administration kumpara sa panahon ng batas militar, ayon umano sa declassified CIA documents. Ito ay walang batayan. Ang nilalaman ng naturang document ay komento lamang sa isang New York Times article, hindi opisyal na findings ng CIA. Ayon dito, mahirap kumpirmahin ang eksaktong bilang ng atrocities noong panahon ng administrasyon ni Aquino.
Walang basehan ang pahayag na ito dahil walang sapat na ebidensya ang nagpost. Ang isinaad lamang nitong ebidensya ay isang Central Intelligence Agency document na isinapubliko noong 2012 na nagkokomento lamang sa isang New York Times article noong 1988 na nagsasabing mas sagana ang mga atrocities ng panahon ng Aquino administrasyon.
Isinaad ng CIA na hindi masasabing makatotohanan ito. Ayon dito, “We cannot confirm whether these abuses are more frequent now than during the Marcos era. It is very difficult to collect unbiased data on human rights abuses in the Philippines.”
Mayroong isang CIA document na isinapubliko noong 2013 tungkol sa pag-request ni Cory Aquino sa US ng isang air strike laban sa mga rebelde na gustong patalsikin ang administrasyon. Ayon sa Rappler, ito ay misleading. Ang report ng airstrike na ito ay lumang balita na inulat pa noong 1989. Wala ring ebidensyang may airstrike o coup na naganap na sangkot ang US.
Comparison ng atrocities ng Marcos at Aquino administrations
May mga nahanap na ebidensya na mayroong human rights violations noong panahon ng Cory Aquino administrasyon ngunit walang eksaktong numero ang mga ito. Isang Inquirer article ang nagsasabing mayroong mga biktima ng panahon ni Cory Aquino na hindi pa nakukuha ang kanilang reparations. Ang mga reparations na ito ay para sa isang rally noong 1987 ukol sa paglaban ng mga magsasaka para sa land reform o mas kilala bilang ‘Mendiola Massacre.’
Read the full story on #PakCheck by e-Boto.