FALSE

Kumakalat ngayon sa social media ang mga pekeng video na nagsasabing galit diumano si Vice Ganda kay Toni Gonzaga dahil sa pagho-host nito ng proclamation rally ng UniTeam nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Galit rin umano, base sa mga video, si Vice sa kapatid ni Toni na si Alex dahil sa pagsuporta rin umano nito sa kandidatura ni Marcos at ng kaniyang ka-tandem na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa unang bahagi ng isa sa mga pekeng video na kumakalat sa YouTube at Tiktok, mapapanood ang isang video clip ni Vice Ganda kung saan nagbibigay siya ng kaniyang karaniwang introduksyon sa mga vlog niya: “What’s up, what’s up?! What’s up mga ka-GV [good vibes]? Are you GV there?” 

Karugtong nito, sinabi ni Vice na, “because right now I’m not so GV.” 

Ito ang ikinonekta ng pekeng video sa diumano’y pagkadismaya ni Vice sa magkapatid na Gonzaga.

Pero ang video clip na ito ay kinuha lamang sa isang lumang vlog ni Vice na naka-upload sa official Youtube Channel niya mula pa noong April 8, 2021.

Read the full story on ABS-CBN Fact Check.

ABS-CBN Fact Check

ABS-CBN Fact Check

ABS-CBN Fact Check is the fact-checking arm of ABS-CBN News. ABS-CBN is considered one of the country’s leading media and entertainment companies. It affirms its mission of being in the service of the Filipino and all of its stakeholders worldwide. The company is driven to pioneer, innovate and adapt as it continues to provide information, news and entertainment that connects Filipinos with one another and with their community — wherever they may be.

news.abs-cbn.com