
May mga nagsabi raw kay Boldyak TV/Maharlika na si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang nasa likod ng pag-surrender kay dating Presidente Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.
#Tsek natin yan ha.
Hindi lang iisang video ang kumakalat sa YouTube, Tiktok, at Facebook na may libo-libo nang mga views at shares. Ilang beses na rin idiniin ni Maharlika ang dating kaibigan nitong si FL Liza Marcos.