Aminado si Prof. Diosa Labiste, co-coordinator ng Tsek.PH, na may mga indibidwal ang naniniwala pa rin sa disinformation, ngunit may ilan ding hindi na naniniwala rito. Paliwanag ni Labiste, mayroon na kasing network disinformation kung saan nagkaroon ng kanya-kanyang paniniwala ang isang grupo na kanilang pinaninindigan.
